Nakakabilib talaga ang mga taong may talento sa pag-awit ngunit tila’y unusual para sa atin na makarinig na isang buong pamilya ang nabiyayaan ng husay at galing sa larangan ng pagkanta katulad na lamang ng pamilyang Dela Torre na ginulat ang netizens sa kanilang abilidad sa pag-awit!

Credit: @moiradelatorre Instagram
Marahil ay marami nang magagaling na composers at singers sa industriya ngunit tila’y nag-iisa lamang si Moira Dela Torre dahil sa kanyang kakayahan na makagawa ng isang kanta mula sa kanyang karanasan sa buhay o hindi kaya’y pinaghuhugutan ng inspiration ang kanyang buhay pag-ibig. Bibihira lamang para sa isang composer-singer na makapagbigay ng buhay sa lyrics at sa mismong kanta dahilan kung bakit marami talaga ang humahanga sa kanya.
Sa kabila ng success at achievements ni Moira, minsan na bang natanong ng kanyang fans kung saan niya nga ba niya namana ang kanyang talento sa pagkanta? Marahil ay hindi ito alam ng karamihan ngunit lahat ng miyembro sa pamilyang Dela Torre ay may kakayahan pala sa pag-awit! Sa katunayan, ito ang isa sa kanilang fave na bonding sa tuwing magkakasama.
Sa video na ibinahagi ng isang fan page sa Facebook, mapapanood si Moira na naggigitara habang kinakanta naman ng kanyang mga kapatid at mga magulang ang isa sa mga pinakasikat niyang kanta na “Tagpuan”.

Credit: Best of Moira Facebook
Habang nasa kalagitnaan ng pagkanta, hindi napigilan ni Moira na mapatawa dahil sa nakakatawang reaksyon ng kanyang isang babaeng kapatid na mukhang nahihiya na ipakita ang mukha sa camera pero nang sumabay na ang kanilang Mommy Raquel, evident sa expression ng magkakapatid na Dela Torre ang paghanga.
Hindi naman nakaligtaan ng netizens na mapansin ang tamang pagkaka-blend ng kanilang boses. Pare-pareho na nga na magaling sa pagkanta, matagumpay pa nilang na-project ang harmony.
Sa bonding moment ng pamilyang Dela Torre, kaagad naman na nagpaulan ng positibo at magagandang mga komento ang netizens.

Credit: Best of Moira Facebook
“Moira’s talent in singing was came from her parents, her mom have an angelic voice that can really soothes your heart. what a great family bonding moment.”
“Love watching your family singing together… They are your meds to cope up with heartbreaks.”
“No wonder why Moira have a beautiful angel voice.she got it from her mom and dad Beautiful voice with a beautiful soul.God blessed”
“OMG i cried… Moira got a beautiful and amazing family and your parents i love their smiles.”

Credit: @moiradelatorre Instagram
“sounds so divine.. a voice that heals your soul..”
Maliban sa pagmamahal, tila’y parte rin sa foundation sa kanilang buhay bilang isang pamilya ang music. Talagang masasabi na musika ang isa sa communication ng pamilyang Dela Torre.
The post Pamilya ng sikat na singer na si Moira Dela Torre, ipinamalas ang kanilang talento sa pag-awit appeared first on Pinoy Online Portal.

0 Comments