Kapuso actress na si Rita Daniela, soon-to-be mommy na!

Minsan ay nagugulat na lamang tayo sa mabilis na paglipas ng panahon dahil ang natutunghayan nating batang artista noon ay masasaksihan naman nating maging Mommy.

Credit: @missritadaniela Instagram

Unang nakilala si Rita Daniela sa “PopStar Kids” noong taong 2005 kung saan itinanghal siya bilang ang pinakaunang champion sa nasabing kompetisyon. Matapos ang achievement niyang ito, kabilang siya sa grupong “Sugarpop” hanggang nagtuloy-tuloy na nga ang kanyang successful na career sa showbiz.

Hindi lamang sa pag-awit mahusay si Rita dahil simula nang sumabak siya sa larangan ng pag-arte, pinatunayan din niya ang kanyang husay at galing. Sa katunayan, isa siya ngayon sa mga sikat at accomplished na aktres sa GMA-7.

Matatandaang 10 taong gulang pa lamang si Rita nang sumabak sa “PopStar Kids” at natunghayan naman nating lahat ang kanyang growth bilang isang sikat na personalidad sa showbiz pero sa kanyang shocking na rebelasyon sa “All-Out Sundays” nito lamang, mukhang masasaksihan naman natin ang bagong side ni Rita at ito ay ang pagiging Mommy niya sa ipinagbubuntis na baby.

Credit: @missritadaniela Instagram

Sa nakaraang episode ng “All-Out Sundays,” ibinunyag ni Rita Daniela sa co-hosts at madla na kasalukuyan niya ngayong ipinagbubuntis ang pinakaunang baby nila ng kanyang non-showbiz partner na pinili niyang huwag pangalanan.

“I am so so happy and proud to say that I’m soon to be a mother. Happy Mother’s day to me,” emosyonal na pahayag ni Rita na kaagad namang ikinagulat ng kanyang co-host na si Julie Anne San Jose.

Credit: @missritadaniela Instagram

“Rita, alam mo, actually nagulat kaming lahat. Talaga ba? We’re so very very happy for you and we’re very very proud of you,” mensahe ni Julie Anne.

“We all know that you’re going to be a great mother and palagi kaming nandito para sa’yo. Kung may kailangan ka, nandito lang kami and of course, gusto lang namin na maging masaya ka so we support you. We support your happiness and your baby.”

Credit: @missritadaniela Instagram

Ilang taon din nating natunghayan ang performance ni Rita Daniela bilang isang singer at artista. Ngayon naman, muli tayong magkakaroon ng pagkakataon na masaksihan ang kanyang journey bilang isang soon-to-be Mommy.

The post Kapuso actress na si Rita Daniela, soon-to-be mommy na! appeared first on Pinoy Online Portal.

Post a Comment

0 Comments