Bilang isang fan, talagang pangarap ng karamihan na makapunta at makabisita sa mga lugar na featured sa ating favorite na k-drama. Kahit na’y hindi man ma-meet sa personal ang bumidang mga artista, maaari naman tayong makaramdam na kabilang tayo sa mismong scene kapag binibisita ang shooting location.

Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Ilang taon naman ang lumipas matapos ipinalabas ang k-drama na “Cr@sh Landing On You” o CLOY, sobrang patok pa rin ito sa karamihan at isa na nga sa fan ng series na ito ay ang asawa ni Manny Pacquiao na si Madam Jinkee.
Bilang isang certified na CLOY fan, talagang nakalista sa bucket list ni Jinkee Pacquiao ang makapunta sa mga lugar na featured sa nasabing k-drama. Maliban sa South Korea, marami ring scenes na ginanap sa Switzerland kaya naman talagang ultimate na pangarap ni Madam Jinkee na makabisita at i-relive ang kanyang CLOY memories.

Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Nito lamang, nagbakasyon sa Switzerland ang pamilyang Pacquiao maliban kay Jimuel na nasa America at abala ngayon sa kanyang career sa “amateur boxing”. Of course, bilang isang matinding CLOY fan, hindi pinalagpas ni Madam Jinkee na magkaroon ng mga larawan sa mga lugar na featured sa paborito niyang k-drama.

Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Matatandaan na sa Iseltwald, Switzerland unang nagkita ang bidang mga karakter sa CLOY na sina Son Ye Jin at Hyun Bin kaya naman, may sarili rin na version si Jinkee at Manny Pacquiao dahil ginaya lang naman nila ang isa sa memorable na scenes sa paborito niyang series. Kabilang sa mga larawang ibinahagi ni Jinkee ay ang sweet na gestures at pose nila ng asawa kung saan ay makikita silang magkahawak-kamay at magkahalikan.
Dahil sa sweet na version ni Manny at Jinkee sa isa sa pinakaborito nating CLOY scene, hindi lamang kapwa celebrities ang nagpahayag ng kanilang kilig sa comment section dahil pati kapwa k-drama fans ni Jinkee ay napa-comment din! Iilan lamang sa mga ito ay:

Credit: @jinkeepacquiao Instagram
“Omg!!! Bucketlist ❤️❤️❤️”
“Better together ❤️❤️❤️”
“❤️❤️❤️ Full of Love”

Credit: @jinkeepacquiao Instagram
Maliban sa kahilingan na sana’y makita sa personal ang paboritong Korean actors, pangarap din ng karamihan sa k-drama fans na mapuntahan ang iconic na shooting locations ng paboritong series kaya hanggang hindi pa ito naisasakatuparan, tanging “Sana all” lamang muna ang masasabi natin sa sariling version ni Jinkee at Manny Pacquaio sa isa sa pinakaborito nating scenes sa sikat na k-drama na “Cr@sh Landing On You”.
The post Jinkee at Manny Pacquiao, nagmistulang honeymooners sa kanilang bakasyon sa Switzerland appeared first on Pinoy Online Portal.

0 Comments