Kristel Fulgar at Eliza Pineda, muling ginawa ang iconic scene nila sa sikat na teleseryeng “Maria Flordeluna”

Bago pa man natin makilala ang sikat na mga batang artista ngayon sa lokal na industriya ng showbiz, nangunguna talaga sa listahan noon sina Kristel Fulgar at Eliza Pineda na ilang ulit na pinabilib ang kanilang mga manonood sa kanilang talento sa pag-arte.

Credit: Kristel Fulgar YouTube

Kung noon ay palaging nasa sentro talaga ng showbiz si Kristel Fulgar at Eliza Pineda, ngayon naman ay minabuti nila na magkaroon na lamang ng simpleng buhay ngunit dahil sa kanilang kasikatan bilang young stars noon, dala-dala pa rin nila ito hanggang ngayon at hindi pa rin tuluyang lumalayo sa kanila ang mundo ng showbiz na minsan na nilang naging tahanan.

Unang nagkakilala si Kristel at Eliza sa show na “Bituin” kung saan nagsimula ang kanilang friendship. Pareho man na nasa “Goin’ Bulilit,” inamin ng magkaibigan na nagkahiwalay sila ng grupo ngunit muli namang napalapit sa isa’t-isa nang gumanap sila sa dalawang bidang karakter sa sikat na teleseryeng “Maria Flordeluna”. Kahit na’y magkaaway man ang kanilang roles, nanatili namang matatag ang kanilang pagkakaibigan.

Katulad ng iba, hindi naman palaging magkasama ang dalawa sa paglipas ng panahon pero kahit na’y malayo man na nakatira sa isa’t-isa at hindi man natural na nagku-krus ang kanilang landas, nananatili naman ang communication ni Kristel at Eliza. Sa katunayan, muli silang nagkaroon ng bonding moment na ibinahagi naman nila sa kani-kanilang Instagram at YouTube channel.

Credit: Kristel Fulgar YouTube

Maliban sa pagswi-swimming at pagre-reminisce ni Kristel at Eliza, napagkuwentuhan din ng dalawa ang teleseryeng ginawa nila nang magkasama kung saan ay inarte nilang muli ang isa sa iconic scenes ng “Maria Flordeluna” kung saan ay nagka-initan sila na humantong sa matinding sabunutan.

Habang ginagaya ang scene nilang ito, todo naman ang pagpipigil ng tawa ni Kristel at Eliza. Kahit na’y matagal na matapos ang kanilang huling pag-arte sa harap ng kamera, keri pa rin talaga nila ang intense at iconic na scene ng “Maria Flordeluna”.

Credit: Kristel Fulgar YouTube

“Si Eliza talaga ‘yung first ever showbiz friend ko,” pahayag ni Kristel. “Konti lang kasi talaga ‘yung friends ko sa showbiz. Bilang lang sa kamay kaya ‘yung mga totoong kaibigan ko, gusto ko silang kini-keep pero si Eliza ‘yung tipo ng kaibigan ko na kahit sobrang tagal na hindi magkita… kahit isang dekada na hindi magkita, ‘pag nagkita tayo ‘Bongga!'”

Kahit na’y tuluyan namang magkahiwalay ng landas at hindi na masyadong focused sa ganap sa mundo ng showbiz, buhay na buhay pa rin ang kanilang connection.

Magkaaway man sa “Maria Flordeluna,” mabuting magkakaibigan naman sa totoong buhay!

The post Kristel Fulgar at Eliza Pineda, muling ginawa ang iconic scene nila sa sikat na teleseryeng “Maria Flordeluna” appeared first on Pinoy Online Portal.

Post a Comment

0 Comments