Ito ang naging reaksyon ni Baby Amari nang pinanood ang daddy Billy Crawford niya na magboxing

Kadalasan ay nakakalimutan natin na ang pinakamagandang blessing na meron tayo sa napakamurang edad ay ang ating innocence dahil sa patuloy na paglipas ng panahon, marami na tayong nalalaman at nasasaksihan. Sa ating paglaki, mas nagma-mature rin tayo at kung noo’y tanging iniisip lamang natin ay kung anong klaseng laro ang gagawin natin bukas ay problema na nangangailangan ng buong atensyon at pansin ang nasa isip ng karamihan ngayon. Marahil ay hindi na natin maibabalik pa ang dating tayo ngunit at least ay natutunghayan naman natin ito sa mga bata ngayon.

Credit: @coleen Instagram

May mga pagkakataon na napapamukha ng mga bata sa atin ang pagiging pure ng kanilang isipan. Sa panahon ngayon, madali na lamang para sa iilan na piliin ang violence kaysa idaan pa ito sa mapayapang usapan kaya nagsisilbi talagang salamin para sa atin ang innocence ng mga bata katulad na lamang ng baby boy ni Coleen Garcia at Billy Crawford na si Amari na kinaaliwan ng netizens dahil sa naging reaction niya sa bagong workout ng kanyang ama.

Maliban sa pagjo-jog at iba pang workout activities, mahilig din si Billy Crawford sa pagbo-boxing upang ma-improve pa ang kanyang agility, madagdagan ng lakas ang kanyang muscles, at mapabuti pa ang kanyang leg work. Sa kabila ng matinding kagustuhan ni Billy sa pagbo-boxing, tila’y hindi naman approved dito ang anak niyang si baby Amari.

Credit: @coleen Instagram

Sa video na ibinahagi ni Coleen sa kanyang Instagram stories kumakailan lamang, mapapanood si Billy na abala sa pagbo-boxing nang bigla na lamang lumapit si baby Amari at naiyak habang pinapanood ang kanyang Daddy sa ginagawa.

“What’s wrong? I’m boxing, baby. You want me to stop? I’m just boxing,” maririnig na sabi ni Billy sa anak.

Credit: @coleen Instagram

Nang pansamantalang tumigil si Billy sa ginagawa, tila’y kumalma naman kaagad si baby Amari ngunit muli na naman itong umiyak nang ipinagpatuloy ng kanyang ama ang pagbo-boxing at lumapit na sa kanyang Mommy Coleen.

“Stop the v!olence pls,” sulat ni Coleen sa kanyang caption.

Credit: @coleen Instagram

Bagama’t normal lamang para sa ating adults na makakita ng nagboboksing, tila’y hindi naman ito kaaya-aya para sa mga bata katulad na lamang ni baby Amari na nais ng payapa at tahimik na environment na umabot pa nga sa puntong inakala niyang may ginagawang hindi maganda ang kanyang Daddy Billy na sa katunayan ay simple lang naman itong nagbo-boxing.

The post Ito ang naging reaksyon ni Baby Amari nang pinanood ang daddy Billy Crawford niya na magboxing appeared first on Pinoy Online Portal.

Post a Comment

0 Comments