Kahit na’y parehong kilalang personalidad sa showbiz, mutual namang napagdesisyunan ng couple na si Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na pansamantalang itago ang identity ng kanilang baby girl bilang pagbibigay halaga sa kanilang privacy kaya talagang mas na-curious at na-excite ang kanilang fans sa panahong ready na ang dalawa na ipakilala ang kanilang kauna-unahang baby.

Credit: @mercadojenny Instagram
Makalipas ang mahigit isang buwan, sa wakas ay official nang ipinakita at ipinakilala ni Jennylyn at Dennis ang kanilang baby girl na pinangalanan nila bilang si baby Dylan.
Kamakailan lamang nang ipinasilip na ni Jennylyn ang kanyang “birthing journey” kung saan ay masasaksihan ang gulat na reaksyon nilang dalawa nang nalaman na maaari na palang manganak ang aktres kahit na’y may isang linggo pag natitira bago ang inaaasahan nilang araw na me-meet ang kanilang baby girl.
Ayon sa aktres, kahit na’y ikalawang pagkakataon na niya ito, hindi pa rin nawawala ang kanyang pangamba lalo na’t matagal-tagal na rin matapos niyang isilang ang unang anak na si Alex Jazz.
Ilang oras bago ang delivery, mapapanood sa vlog na hindi talaga iniwan ni Dennis ang kanyang asawa at nanatili sa tabi nito. Habang naghihintay, abala sila sa pag-uusap at patuloy naman sa pagco-comfort ang aktor kay Jennylyn upang kahit papaano ay maibsan nito ang nararamdamang takot ng aktres.

Credit: @mercadojenny Instagram
Sa kalagitnaan ng panganganak ni Jennylyn, talagang present si Dennis at nang dumaan sa mga test at assessments ang kanyang mag-ina, buong-buo naman ang kanyang pasensya habang naghihintay.
Habang parehong natutulog si Jennylyn at baby Dylan, maririnig naman ang sweet na pahayag ng aktor kung saan ay sinabi niya sa pabulong na tono ang: “Thank you, mahal.”

Credit: Jennylyn Mercado YouTube
Sa comment section, nagpahayag naman ng positibong mga komento ang netizens at nagsabi na ito ang pinakainaabangan nilang vlog ng couple.
“Congratulations Jen and Den 🎉🎊🎁🎈 ang tagal kong hinintay tong vlog nyo na ito 🥰🥰”
“congratulations Jen and Den.. napakagandang bata..God bless your family❤❤❤”
“Nakakaiyak😭😭 huhu… ito talaga inaabangan ko:< Beautiful Baby Girl, cant wait to see baby D grow. ♥️♥️”

Credit: Jennylyn Mercado YouTube
Dahil sa unang pasulyap ng napakagandang mukha ng anak nila Jen at Dennis ay marami nang fans ang nagaabang sa mga susunod na photos ni Baby Dylan.
The post Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinakita na sa publiko ang mukha ng kanilang napakagandang baby girl! appeared first on Pinoy Online Portal.

0 Comments