Maris Racal, inaming may pangamba noon sa relationship nila ni Rico Blanco

Hindi naman lahat ng relationship ay perpekto at may iilan din na kahit siguradong alam na mahal nila ang isa’t-isa, hindi pa rin tuluyang naiiwasan ang mga pangamba at takot katulad na lamang ni Maris Racal na inaming “unsure” siya noon sa relationship nila ni Rico Blanco.

Credit: @maristeller Instagram

Kahit na’y official nang kinumpirma sa publiko ang kanilang relationship, nananatili pa ring private ang couple pero paminsan-minsan namang nagbabahagi ng update sa kanilang fans. Sa katunayan, kakabahagi lamang ni Maris ng vlog kung saan ay mapapanood ang simpleng date nila ni Rico Blanco habang namamasyal at kumakain ng streetfoods kung saan ay napagkuwentuhan nila ang lahat ng mga bagay na magkasama nilang ginawa sa pinakaunang pagkakataon simula nang naging couple.

Isa sa napag-usapan ng dalawa ay ang kanilang kauna-unahang date. Inamin din ng 24 taong gulang na aktres na mahirap para sa kanila ng boyfriend na makapag-date dahil takot umano sila makita ng mga tao na kaagad namang kinontra ni Rico na si Maris lamang ang nangangamba dahil open naman siya sa kanyang relationship.

Credit: @maristeller Instagram

“‘Nung naging tayo, hirap tayo mag-date kasi ayaw nating makita ng tao kasi takot tayong baka hindi nila tayo maintindihan,” sabi ni Maris.

Ayon naman kay Rico, “Bakit ‘tayo’ takot? More ikaw. Hindi ako takot.”

Bilang isang sikat na personalidad sa showbiz, aware si Maris sa mga pagsubok na maari nilang pagdaanan ni Rico kapag hindi tanggap at naintindihan ng netizens ang kanilang pagmamahalan kaya marami siyang worries at setbacks sa unang mga buwan ng kanilang relationship kaya napagdesisyunan ng dalawa na magkita sa Las Vegas sa pinakauna nilang date.

Noong una, pamilya at malalapit na mga kaibigan pa lamang ni Maris ang may alam sa relationship nila ng singer-songwriter na si Rico ngunit unti-unti namang napagtanto ng aktres na wala siyang dapat ikatakot lalo na’t alam naman niya sa kanyang sarili na totoo ang pagmamahalan nila ng boyfriend.

Credit: @ricoblanco100 Instagram

Nang napag-usapan ang kanilang pinakaunang kanta na ginawa para sa isa’t-isa, ibinahagi ni Maris na “sad song” ang isinulat niya para sa boyfriend dahil hindi pa umano siya sure sa relationship nila ni Rico noong mga panahon na ‘yun.

“Ako medyo sad song ‘yung una kong nasulat sa’yo. Medyo bittersweet kasi ‘yun iyong time na ‘di pa ako sure sa’yo kasi natakot nga ako ‘di ba? And like feeling ko hindi ako worthy sa words na ‘yun kasi even I, unsure about this relationship,” ayon kay Maris.

Minsan man na nagkaroon ng issues tungkol sa kanilang relationship noong una, tila’y sure naman ngayon si Maris Racal na nahanap na niya ang kanyang forever kay Rico Blanco.

The post Maris Racal, inaming may pangamba noon sa relationship nila ni Rico Blanco appeared first on Pinoy Online Portal.

Post a Comment

0 Comments