Marian Rivera, humakot ng papuri sa walang arteng pag-alaga at pagbuhat sa bunsong anak habang nasa mall

Bibihira lamang para sa atin na makakita ng isang sikat na artista sa isang publikong lugar ngunit nito lamang, tila’y marami ang masuwerteng nakasaksi sa pagsho-shopping ng power couple na si Marian Rivera at Dingdong Dantes sa isang mall kasama ang kanilang baby boy na si Sixto.

Credit: Maria Letizia Dantes Facebook

Bilang isang fan, talagang isa sa ating mga pangarap ay makita sa personal ang ating iniidolong artista ngunit hindi naman lingid sa ating kaalaman na malaki ang chance na maisakatuparan ito kapag pumupunta tayo sa mismong station, concert, o hindi kaya’y sa tuwing may “fan meeting” dahil talagang bibihira na basta-basta na lamang natin silang na-eencounter sa isang publikong lugar.

Sa maikling video na ibinahagi ng isang fan, nakita niya si Marian at Dingdong na nagsho-shopping kasama ang kanilang cute at gwapong baby boy na si Jose Sixto o kung tawagin nila sa palayaw nitong “Ziggy” at ng isang nanny. Mapapanood sa video na normal lamang na nagsho-shop at naglalakad sa mall ang couple na tila ba’y hindi sila kilala bilang isa sa mga sikat na artista sa industriya ng lokal na showbiz.

Bukod pa dito ay pinuri din ng netizens si Marian sa pagiging hands-on sa kanyang anak. Sa video ay makikitang walang ka-arte arte si Marian sa pagbuhat sa kanyang bunsong anak habang naglalakad sa mall. Kahit na may kasama silang tagapag-alaga ng bata ay si Marian mismo ang bumuhat sa kanyang anak.

Credit: Maria Letizia Dantes Facebook

Dahil dito, hindi napigilan ng netizens na ma-shookt dahil talagang bibihira lamang itong mangyari ngunit para sa couple, mukhang sanay na sanay na silang mag-shop sa isang mall nang wala man lang kahit anong disguise o kasamang guards. Sa comment section, marami sa netizens ang pumuri sa couple sa pag-eenjoy nila sa isang bagay na dapat ay normal lamang gawin para sa isang celebrity.

“Love this. They’re normal human beings and they should be able to enjoy these things too.”

“love it,,, hello idol marian & family”

“Love this “

Credit: Maria Letizia Dantes Facebook

Kahit na’y isa sa mga sikat na celebrities, nais naman ni Marian at Dingdong na gawin ng malaya ang isa sa mga normal na gawain ng ordinaryong mga tao dahilan kung bakit effortless nilang nabihag ang pagmamahal ng netizens.

The post Marian Rivera, humakot ng papuri sa walang arteng pag-alaga at pagbuhat sa bunsong anak habang nasa mall appeared first on Pinoy Online Portal.

Post a Comment

0 Comments