Kahit gaano man natin kagusto na makapiling sa araw-araw ang mga mahal natin sa buhay, kailangan nating tanggapin na may mga pagkakataon na mapapawalay tayo sa kanila marahil ay dahil sa kasalukuyang situation o set-up ng kanilang pamilya katulad na lamang ng magkakapatid na Gutierrez na sina Lorin at Venice na matatandaang kumakailan lamang ay nakasama ang kanilang Turkish Daddy na si Yilmaz Bektas matapos ang mahabang panahon na pagkakawalay.

Credit: @iloveruffag Instagram
Matatandaan nito lamang ang touching at sweet na reunion ng Gutierrez sibs at ng kanilang ama na si Yilmaz Bektas. Matapos ang pagkakahiwalay sa loob ng 15 taon, sa wakas ay muli na naman silang nagkita at nagkasama ngunit ang bonding nilang ito ay kaagad din naman na nagtapos dahil kinakailangan din naman ni Lorin at Venice Gutierrez na umuwi sa Pilipinas upang makasama naman ang kanilang Mommy na si Ruffa Gutierrez.
Sa 15 taon na pagkakawalay sa isa’t-isa, talagang matindi ang pangungulila ni Gutierrez sibs sa kanilang ama kaya naman sa kanilang bakasyon, talagang sinulit ni Lorin at Venice ang bawat moment nila kasama ang kanilang Daddy Yilmaz at half-sister na si Ilknaz Bektas.
Matapos ang halos isang linggo na pagbabakasyon ng magkapatid sa Turkey, kinakailangan na ni Lorin at Venice na umuwi ng Pilipinas kung saay ay nagkaroon sila ng emosyonal na moment sa airport.
View this post on Instagram
Sa video na ibinahagi ni Ruffa sa kanyang Instagram account, mapapanood si Yilmaz na mahigpit na nakayakap sa mga anak habang pinapaulanan ang mga ito ng hal!k. At dahil muli na namang magkakawalay sa isa’t-isa, hindi talaga napigilan ng Gutierrez sibs na maiyak ngunit kahit na’y maikli lamang ang panahon kasama ang kanilang ama kumpara sa 15 taon nilang pagkakawalay, memorable at wholesome naman para kay Lorin at Venice ang kanilang bakasyon.

Credit: @iloveruffag Instagram
Ayon kay Ruffa, “12 days with their father after 15 years of not seeing each other was certainly a trip Lorin and Venice will never forget for the rest of their lives. I can’t wait to hear all about it when they get home in time for my birthday. 🎂”
Bagama’t ilang araw lamang nakasama ang kanilang Daddy Yilmaz, tila’y naibsan naman ang pangungulila ng Gutierrez sibs na kinimkim din nila sa loob ng 15 taon.

Credit: @iloveruffag Instagram
Muli man na nawalay sa kanilang ama, baon naman nila ang moments at memories na nabuo nila sa kanilang maikling vacation.
The post Yilmaz Bektas at mga anak nila ni Ruffa Gutierrez na sila Lorin at Venice, emosyonal sa muling paghihiwalay nilang mag-aama appeared first on Pinoy Online Portal.

0 Comments