Kinaaliwan ng maraming netizens ang latest bonding moments ng mag-inang Dimples Romana at Callie Ahmee sa social media kung saan ay ibinida nila ang kanilang cute twinning OOTDs.

Credit: @dimplesromana Instagram
Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Dimples ang ilang cute photos nila ng kanyang 17-year old daughter kuha mula sa fun photoshoot na ginawa nila sa kanilang bahay.
Mistulang magbarkada lamang sina Dimples at Callie sa mga litrato. Looking young at happy si Dimples sa mga litrato kung saan makikitang twinning silang mag-ina sa kanilang suot na makulay na crochet top. Habang si Callie ay litaw na litaw ang angking kagandahan habang nagpo-pose kasama ang kanyang Mommy Dimps.

Credit: @dimplesromana Instagram
Ayon naman kay Dimples, pakiramdam niya bumabalik siya sa kanyang kabataan dahil sa twinning moments nila ni Callie.
“Love you ate @callieahmee Twinning with you reminds me of my youth and how to just keep letting the sunshine in,” saad ni Dimples sa caption ng kanyang post.
Ikwenento rin ni Dimples ang pagkahilig ng kanyang anak sa mga bagay na locally handmade. Pagbabahagi naman ni Dimples, matagal nang binili ni Calliie ang kanilang mga outfit ngunit ngayon pa lamang niya ito nasuot. Kwento pa niya, nagsisimula pa lamang umano siyang magbawas ng timbang noong mga panahon na binili ni Callie ang kanilang mga damit.

Credit: @dimplesromana Instagram
Kapansin-pansin nga sa kanilang mga litrato ang pagpayat ni Dimples. Lalo ring lumitaw ang kanyang kaseks!han sa suot niyang crochet top.
“If you follow our #TheFAhmeely you will know na si Callie talaga ang mahilig sa anything locally handmade. She bought this from @coraandcecilia and had it customized,” ani Dimples.
“She got these twinning outfits a few months ago pa, I think around the time I just began with my fitness and weightloss journey. Ngayon ko lang nasuot. Akala ko kasi hat at bandana top pala,” dagdag pa niya.
Kaya naman payo ni Dimples sa mga gustong magbawas ng timbang tulad niya ay magkaroon sila ng isang “motivation outfit.”

Credit: @dimplesromana Instagram
“#DimpsTips if you want to embark on the same journey , it would help to get a motivation dress or outfit. See how inspired you’ll feel when they finally fit you well,” aniya.
Samantala, kahit malayo na ang kanyang narating sa kanyang weight loss journey, iginiit ni Dimples na mahal niya ang kanyang katawan “through thick and thin.”
Binigyang diin din niya sa huli na, “happiness is an inside job” at para maging masaya “[a person needs to] work on the inside first before anything.”
Si Dimples ay naging household name sa showbizness dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Isa sa mga hindi malilimutang karakter na kanyang ginampanan ay ang kanyang papel sa drama series na “Kadenang Ginto” na si Daniela Mondragon.
The post Dimples Romana, nagmistulang bagets sa twinning OOTDs nila ng kanyang anak na si Callie Ahmee appeared first on Pinoy Online Portal.

0 Comments