Rita Gaviola o nakilala noon bilang si Badjao Girl: “Soon sasali na tayoo sa miss u”

Usap-usapan ngayon sa social media ang pagpapahayag ng interes ni Rita Gaviola o mas nakilala ng marami bilang si ‘Badjao Girl’ na sumali sa prestihiyosong Miss Universe Philippines.

Credit: @itsritagaviola Instagram

Agaw-pansin ang mga larawan na ibinahagi ni Rita sa kanyang Instagram account noong September 10 kung saan ay mistulang isang beauty queen ang kanyang datingan.

Sa mga larawan ay litaw na litaw ang kakaibang ganda ni Rita sa suot niyang make up at hairstyle. Ginulat nga ni ni Rita ang maraming netizens nang sabihin niya sa kanyang post na nais niyang sumali sa Miss Universe.

Credit: @itsritagaviola Instagram

“Soon sasali na tayoo sa miss u,” pahayag ni Rita sa caption ng kanyang post.

Nakatanggap naman si Rita ng maraming positibong komento at suporta mula sa mga netizen pagkatapos niyang ipahayag ang kanyang planong sumali sa Miss Universe. Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

Credit: @itsritagaviola Instagram

“Bagay na bagay ka don…natural na ganda”

“Ganda filipina – bagay ka pang pageantry iha”

“Wow ganda2 tlga ng lodi ko…yes yakang yaka yan, lods…bagay png ms U…Gandang pilipina wlang halong banyaga”

Credit: @itsritagaviola Instagram

“You look stunning. Love your make up. Super model ang dating. Sana sila yung mag make up sayo if ever na sasali ka sa beauty contest in the future. Flawless yung make up nila.”

“Go Rita. Start training na para mahasa hasa na. We’ll wait for you.”

Matatandaang naging instant internet star si Rita matapos siyang ma-spottan ng isang photographer na namamalimos sa kasagsagan ng Pahiyas Festival noong 2016.

Credit: @itsritagaviola Instagram

Kaagad ngang nag-viral ang kanyang mga larawan dahil sa kanyang taglay na natural na ganda. Pagkatapos namang mag-viral ni Rita ay kaliwa’t kanang talent agency ang kumontact sa kanya at naitampok din siya sa iba’t ibang programa sa telebisyon.

Biggest break naman ni Rita sa showbiz ang pagsali niya sa Kapamilya reality game show na Pinoy Big Brother.

Credit: @itsritagaviola Instagram

Sa ngayon ay isa na ring social media influencer si Rita. Napapanood siya ng marami sa kanyang YouTube channel at TikTok account.

Samantala, inaabangan na ng mga pageant enthusiast ang coronation night ng Miss Universe Philippines 2021 competition na gaganapin ngayong darating na September 25.

The post Rita Gaviola o nakilala noon bilang si Badjao Girl: “Soon sasali na tayoo sa miss u” appeared first on Pinoy Online Portal.

Post a Comment

0 Comments