Anak ni Carlo Aquino na si Enola Mithi, nagdiwang ng kanyang unang kaarawan!

Napakabilis naman ng panahon! Parang kahapon lamang nang napapanood natin ang batang si Carlo Aquino habang umaarte sa telebisyon at ngayon ay may isang taong gulang na anak na nga!

Credit: @jose_liwanag Instagram

Isa si Carlo Aquino sa mga sikat at mahuhusay na aktor sa industriya ng showbiz kahit noon pa man. Dahil sa kanyang good looks at nag-uumapaw na karisma, hindi na palaisipan kung bakit ganoon na lamang karami ang mga babaeng nahuhumaling at kinikilig sa kanya.

Credit: @jose_liwanag Instagram

Hindi rin maitatanggi ang kanyang kahusayan pagdating sa pag-arte na siyang dahilan kung bakit patok na patok ang mga teleserye at pelikulang pinagbidahan niya.

Credit: @jose_liwanag Instagram

Ngayo’y 36 taong gulang na at may anak na sa partner na si Trina Candaza, isang modelo, mas nag-mature na ngayon si Carlo. Bilang isang responsableng ama, ibinuhos ng aktor ang buo niyang atensyon sa pag-aalaga sa kanyang partner at sa kanyang baby girl na si Enola Mithi.

Credit: @jose_liwanag Instagram

Dalawang linggo matapos ang kaarawan ni Carlo, ipinagdiwang naman ng kanyang baby girl na si Enola Mithi ang una nitong kaarawan nito lamang Sabado, September 18.

Sa espesyal na araw ng anak ni Carlo, nagkaroon lamang ang kanilang pamilya ng simpleng “themed-birthday party” para kay Enola Mithi.

Credit: @jose_liwanag Instagram

Sa temang “Sesame Street,” sobrang cute ni baby Enola Mithi sa suot nitong damit. Mula sa decoration, party gifts, at OOTDS hanggang sa cake, lahat ay may disenyo ng mga karakter ng “Sesame Street,” isang sikat na cartoon show na talagang paborito ng karamihan sa mga bata.

Credit: @jose_liwanag Instagram

Bilang pag-iingat sa lumalaganap na viru$ at para na rin sa pagsunod sa health guidelines ngayong p@ndemya, ipinagdiwang lamang ng pamilyang Aquino ang kaarawan ni baby Enola Mithi sa kanilang bahay at nagkaroon lamang ng simpleng selebrasyon kasama ang ibang miyembro ng kanilang pamilya.

Sa mga larawang ibinahagi ng aktor sa kanyang Instagram account ay makikita kung gaano sila nag-enjoy. Masisilayan naman ang magagandang ngiti ng mag-ina at ang mga larawan ni Enola Mithi kasama ang kanyang Lola Amelia Lolo Jose Aquino.

Credit: @jose_liwanag Instagram

Simple man ay makikita naman sa mga larawang ibinahagi ni Carlo kung gaano sila kasaya sa pag-celebrate sa unang kaarawan ng anak.

Hindi rin nakalagpas sa netizens ang kapansin-pansin na kagandahan ni baby Enola Mithi habang lumalaki ito. Talagang namana niya ang good looks ng kanyang Mommy Trina at Daddy Carlo!

The post Anak ni Carlo Aquino na si Enola Mithi, nagdiwang ng kanyang unang kaarawan! appeared first on Pinoy Online Portal.

Post a Comment

0 Comments