“One More Chance” co-stars na sina Dimples Romana, Bea Alonzo at Beatriz Saw, handa na i-welcome ang panibago nilang mini-member!

Muling madadagdan ang miyembro sa Thursday Barkada na binubuo nina Dimples Romana, Bea Alonzo, at Beatriz Saw dahil kasalukuyan lang namang ipinagbubuntis ng huli ang kanyang ikatlong baby!

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa friendship na nabubuo, nagiging extension talaga ito ng kanilang mga anak kapag nagiging magulang na sila katulad na lamang ng pagkakaibigan ni Dimples Romana, Bea Alonzo at Beatriz Saw na unang nagkasama sa blockbuster na pelikulang “One More Chance” noong 2007.

Kahit na’y 16 taon naman ang nakalipas simula nang nagkasama sa “One More Chance,” ay nananatili naman ang magandang pagsasamahan ng tatlong aktres. Sa katunayan, maya’t maya nga ang kanilang bonding sesh pero sa pinakaunang hangout nila ngayong 2023, hindi lamang simpleng catch-up ang nangyari sa kanilang pagitan dahil ipinagdiwang din nila ang pagbubuntis ni Beatriz sa ikatlong anak nila ng asawa nitong si Rocky Tan.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa post ni Dimples sa Instagram kumakailan lamang, masaya niyang ibinahagi ang balitang muling madadagdagan ang miyembro ng kanilang Thursday barkada na labis namang ikinatuwa ng kapwa nila celebrities pati na rin ng fans ni Beatriz.

“May bagong mini member ang Thursday Barkadaaaa 😊 Congratulations my dear @ackie_tan @beatriz_saw 🥹☺️Bawi kami ni @beaalonzo sa gift 😅😂😍,” sulat ni Dimples sa caption.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa post na ito ng aktres, kaagad naman na nakatanggap ng kaliwa’t kanang pagbati si Beatriz mula sa kanyang fans pati na rin sa iilang celebrities na sina Ahron Villena, Direk Theodore Boborol pati na rin ang kanyang kapwa PBB “big winner” na si Melai Cantiveros.

Dahil sa mainit na pagbating kanyang natanggap, labis naman na nagpasalamat si Beatriz sa lahat.

“Thank you everybody for the greetings ❤️ nahiya naman ako 🫣😬😂,” reply niya sa lahat ng natanggap niyang pagbati.

Credit: @dimplesromana Instagram

Sa mga larawang ibinahagi ni Dimples na kuha sa kanilang bonding sesh, kapansin-pansin talaga ang pagiging blooming ng preggy momshie na si Beatriz. Marami pa nga sa netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa beauty ng aktres dahil tila’y hindi umano ito tumatanda.

Nagsimula sa tatlo ang orihinal na members ng Thursday barkada pero habang tumatagal, mas dumadami ang kanilang miyembro kaya masasabi talaga na hindi lamang natatapos ang friendship na ito kina Dimples, Bea at Beatriz dahil magpapatuloy din ito sa kanilang mga chikiting.

The post “One More Chance” co-stars na sina Dimples Romana, Bea Alonzo at Beatriz Saw, handa na i-welcome ang panibago nilang mini-member! appeared first on Pinoy Online Portal.

Post a Comment

0 Comments