Hindi talaga sa lahat ng pagkakataon ay nasusunod ang lahat ng ating mga plano lalong-lalo na sa mundo ng entrepreneurs kung saan ay unpredictable ang daloy ng market–minsan ay bongga ang pagdagsa ng customers, minsan naman ay matumal ang benta plus ang pagkakaroon pa ng “joy miners”.

Hindi lamang sa pag-aartista umiikot ang buong buhay ng aktres na si Lovely Abella dahil sumabak din siya sa pagnenegosyo kung saan ay katuwang niya ang kanyang asawa na si Benja Manalo. Sa effectiveness ng kanilang produktong Caf’eatte sa pagpapapayat, patok na rin ito sa ibang bansa pero sa kabila ng success ng couple sa kanilang business ay tila’y hindi pa rin nila naiiwasang makaranas ng pagsubok katulad na lamang ng pagkakaroon ng customers na nagma-mine ng kanilang produkto pero hindi naman nagpapakita kapag oras na ng bayaran o kung tawagin ng karamihan bilang “joy miners”.

Of course, bago pa man pinasok ang pagnenegosyo, matagal na namang aware si Lovely sa iba’t-ibang problema na maaari nilang maranasan pero hindi umano niya inakalang mabibiktima sila ng “joy miner” nilang customer sa Singapore.
Sa Tiktok video na in-upload ng celebrity entrepreneur kumakailan lamang, mapapanood na naghihintay sila ng kanyang asawa sa Bugis Junction sa Singapore kung saan ay nakahanda na ang orders ng kanilang customers pero mag-iisang oras na umano silang naghihintay at hindi pa rin dumadating ang kanilang customers.
@lovely_abella Walang nagpakita at walang bumili! Pero tuloy ang Laban ng caffeng nakakafayat ang @Caf’eatte #fyp #cafeatte #najoyjoy #trending #caffengnakakafayat ♬ original sound – Lovely Manalo
“Nandito po kami ngayon sa Singapore, sa Bugis Junction at 8:52 pm na po kasaluluyan. Alam naman po ng ating mga kapwa Pinoy na darating ako ng 7 PM pero nag-Tiktok po ako na 8 PM na po ako darating pero until now, wala pa rin sila,” sabi ni Lovely.

Tunay nga nakakalungkot ang ganitong klaseng pangyayari pero imbes na panghinaan ng loob, mas pinili naman ng aktres na tanggapin na lamang ang lahat dahil bilang isang online seller, madalas talaga nila itong nararanasan.

Gayunpaman, nag-iwan naman ng makabuluhang advice si Lovely para sa kapwa niya sellers na huwag pa rin mawalan ng pag-asa at magpatuloy lamang sa ginagawa hangga’t walang nilalabag sa mga alituntunin sa pagitan ng isang seller at customer.
The post Lovely Abella, hindi sinipot ng mga customer sa Singapore! appeared first on Pinoy Online Portal.

0 Comments