Sa bagong YouTube video vlog ng Unkabogable star na si Vice Ganda, binisita nito ang kaniyang private dentist na si Dr. Ralph delas Alas ng Urban Smiles na siya ring dentista ng kaniyang partner na si Ion Perez para mag pa-zirconia crowns at veneers.

Credit: Vice Ganda YouTube
Punong-puno ng kasiyahan ang buong video vlog na ito ni Vice Ganda. Makikita rin dito ang ang buong proseso ng pagpapaganda ng kaniyang mga ngipin na aabutin ng P1M para matapos. Nang matapos ang procedure na ginawa kay Vice Ganda, tinanong nito si Dr. Ralph kung magkano ang kaniyang nagastos.

Credit: Vice Ganda YouTube
“Usually, ‘pag ganito, magkano ang inaabot ng ganito? ‘Yung ginawa mo sa akin, magkano itong procedure na ito?” tanong ni Vice Ganda kay Dr. Ralph
“Yung totoo? Usually, nasa mga ano, nasa half M,” sagot ni Dr. Ralph.

Credit: Vice Ganda YouTube
“Kalahating milyon itong ano… kaya ‘pag nabuo ito, 1 million worth of smile talaga ito ‘no!” sabi ni Vice.
Ipinaliwanag din nito kung bakit siya nagpaayos ng ngipin at nagpasalamat ito kay Dr. Ralph at sa staff ng Urban Smiles dahil sa maganda resulta ng kaniyang teeth treatment.
“Kasi ang concern ko lagi, ‘pag nagpapa-picture napapansin nu’ng mga ano ko, ‘yun mga followers ko ‘yun, parang tabingi ‘yung smile ko kasi yung bite parang medyo ngiwi,” saad ni Vice Ganda.
“Thank you very much. At tsaka kaya ako happy talaga, kasi naramdaman ko tama na ‘yung bite ko,” pasasalamat nito.

Credit: Vice Ganda YouTube
“Unti-unti nako-correct na ni doc especially ‘pag nabuo pa natin pati ‘yung sa ilalim,” dagdag pa nito.
Ikinatuwa naman ng maraming netizen ang buong procedure ng treatment ni Vice Ganda dahil hindi lang sa nakakalulang presyo nito pati na rin sa kasiyahang hatid nito sa manonood.
“Tanggal pagod ko nnmn meme dahil sayo simula sa umpisa hanggang matapus naka ngiti ako super gv,.”

Credit: Vice Ganda YouTube
“You deserved that BIG SMILE because you have a BIG HEART and you work so hard .. i love you VICE”
The post Ngipin ni Vice Ganda, inabot ng P500k para sa initial na pagpapaayos appeared first on Pinoy Online Portal.

0 Comments