Hindi talaga sa lahat ng pagkakataon ay mananatili na lamang tayong anino dahil dadating din ang panahon kung saan tayo ay magniningning.

Credit: @eruption23 Instagram
Sa pagsabak ni Eric Tai o mas kilala bilang Eruption sa “It’s Showtime” bilang host, baguhan pa talaga siya sa industriya ng showbiz kaya noong una’y wala talagang halos nakakakilala sa kanya. Sa interview kasama si Julius Babao noong lamang February, inamin niyang ramdam niyang anino lamang siya kumpara sa mga bigatin niyang co-host katulad nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, at Jhong Hilario na marami ng napatunayan sa showbusiness.
Sa pagkakatanggal niya sa show noong 2016, hindi umano ito masyadong isinapuso ni Eruption dahil malaki rin ang kanyang pagpapasalamat dahil dito umano siya nagsimulang makilala ng madlang people. Sa pag-aakala ni Eruption na doon na natatapos ang kanyang career sa showbiz, tsaka naman bumuhos ang kaliwa’t kanang opportunities na siyang nagdulot sa kanya ng kasikatan. Sa katunayan, tinagurian siya ng karamihan bilang ang “Ting King” dahil sa pag-viral ng kanyang choreography sa hit na kantang “Ting Ting Tang Ting!

Credit: Eric Eruption Tai YouTube
Una man nating nakilala bilang host ng “It’s Showtime” si Eruption, ngayon naman ay tinitingala na siya ng karamihan dahil sa pagiging multi-talented niya. Sa pag-aakala nating sa sayawan lamang nakakalamang si Eruption, muli na naman niya tayong ginulat nang ipinamalas niya ang kanyang talento sa pagkanta sa music video niya na “Do Your TING” with Mr. Mainit-Kenjhons na kasalukuyan ngayong pumapalo ng 19k views sa YouTube at 351k naman sa Facebook!
Maliban sa upbeat at lively na rhythm ng “Do Your TING,” labis din na tinatangkilik ng netizens ang pagbandera ni Eruption sa Pinoy pride mula sa pagsusuot ng barong, pag-feature sa mayamang kultura ng Pinas pati na rin sa fusion ng hiphop at tribal na beat.
Maliban sa innovative at creative na MV ni Eruption, marami rin ang naka-appreciate sa mensahe sa likod ng kanta. Sa unang bahagi ng kanta, matutunghayan kung paano siya pinagtawanan dahil sa pagmamaneho niya ng scooter gayong malaki siyang tao pero ipinaglaban naman ito ni Eruption nang maangas niyang sinabi na “Just doing my thing!”

Credit: Eric Eruption Tai YouTube
Kung noon ay hindi nava-validate ang kanyang talent bilang isang artist, ngayon naman kilala na si Eruption bilang isang multi-talented na performer sa Philippine showbiz.

Credit: Eric Eruption Tai YouTube
Sa pag-exceed sa expectations ng kanyang bagong kanta, marami na talaga ngayon ang hindi na makapaghintay sa sususod na pasabog ni Eruption!
The post Eruption, ibinida ang kanyang pagiging multi-talented na artist sa bago niyang music video! appeared first on Pinoy Online Portal.

0 Comments