Anne Curtis, ipinamalas ang kanyang mala-Disney princess na boses nang kumanta ng theme song ng Little Mermaid!

Maliban sa napakaraming opportunities sa showbiz, may room din para improvements dahil hangga’t dedicated, lahat talaga ay posible!

Sa mala-dyosang beauty ni Anne Curtis at kahusayan pa niya sa pag-arte, wala talagang sinuman ang hindi nakakakilala sa kanya lalo na’t sa nakaraang mga taon ay nananatili lang naman siya sa peak ng kanyang career sa showbiz. Of course, hindi lamang sa pag-arte, pagho-host, at pagmomodelo limited ang talento ni Anne dahil patuloy din siya sa pag-eexplore katulad na lamang ng pagkanta na siyang pinakahilig niya.

Noong una pa lamang na sumabak sa pagkanta at pagkakaroon ng concert si Anne, marami talaga siyang natanggap na negatibong mga komento mula sa bashers dahil sa pagiging “out of tune” niya ngunit imbes na magpakalugmok ay itinuring ito ng aktres bilang chance upang mas mag-improve pa at hindi naman niya nabigo ang fans dahil sa muli niyang pagpapamalas sa kanyang talento sa pagkanta, laglag talaga ang panga ng lahat dahil sa mala-Disney niyang boses!

Sa pagsabak ni Anne sa Tiktok duet ng Octave sa kantang “Part of Your World” ng Disney film na “Little Mermaid” ay mapagkakamalan talaga na siya ang boses sa likod ni Ariel dahil mula sa tono at pagbirit ay kuhang-kuha talaga niya ang kagandahan sa boses ng bidang karakter na si Ariel!

“pang disney princess pala talaga dapat ang kinakanta ko,” sulat ni Anne sa kanyang caption.

@annecurtissmith #duet with @Voctave #ACapella ♬ Part of Your World_Voctave Edition – Voctave

Sa kahusayang ipinamalas ng aktres, kaagad talaga siyang pinagkaguluhan ng netizens kung saan ay marami sa kanila ang nakapansin sa malaking improvement ng kanyang boses.

“Ang galing po Ms. Anne! 👏🏼😍”

“Miss @Anne Curtis you improved so so so much 🥹 and your diction’s so clear 🥹”

“Baka Dyesebel namin yan”

“From Dyesebel to little mermaid real quick🥰”

May mga tao talaga na effortless lamang na nakakabirit habang mayroon namang perfect sa mababang tono ang kanilang boses pero para kay Anne, tila’y nahanap naman na niya ang tipo ng mga kanta kung saan babagay ang kanyang boses at ito ay ang Disney na theme songs. Dahil nito, marami talaga sa netizens ang nagsusumamo sa aktres na kumanta pa ng ibang Disney songs!

The post Anne Curtis, ipinamalas ang kanyang mala-Disney princess na boses nang kumanta ng theme song ng Little Mermaid! appeared first on Pinoy Online Portal.

Post a Comment

0 Comments