Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip na sa publiko ang kanilang “mountain hideaway” sa Rizal!

Bilang mga artista lalo na kapag parehong sikat ay kaliwa’t kanan talaga ang hustle sa life kaya sa tuwing may break, kinakailangan talaga nilang mag-recharge at saan pa ba ang perpektong lugar upang makapag-relax ng todo kundi ay ‘yung malayo sa siyudad? Dahil nito, marami talaga sa celebrities ang bumibili o nagpapatayo ng bahay sa probinsya katulad na lamang ng Kapuso power couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo na hindi lamang basta-bastang nagmamay-ari ng resthouse kundi ay isa lang namang “mountain hideaway” sa Rizal!

Credit: Jennylyn Mercado YouTube

Nito lamang nakalipas na buwan, ginulat ni Jennylyn Mercado ang fans nang ibinahagi niya ang larawan ng kanilang bahay sa Las Vegas kung saan sila nagbakasyon ngunit hindi lamang pala dito natatapos ang baong surpresa nila ng asawang si Dennis Trillo dahil sa unang pagkakataon, ipinasilip nila sa publiko ang kanilang bahay sa Rizal na gawa sa container.

Sa latest na vlog na ibinahagi ng couple nito lamang Lunes, February 27 ay ipinasyal nila ang kanilang viewers sa kanilang “mountain hideaway” kung saan ay ibinida nila ang magagandang features nito.

Credit: Jennylyn Mercado YouTube

Gawa sa containers ang bahay ng couple sa Rizal at hindi katulad sa tradisyonal na mga bahay dito sa Pinas, magkakahiwalay ang kanilang main house, guest room at staff room. Maliban nito, may sarili rin silang greenhouse na ginawa umano ng ama ni Dennis.

“Itong mountain hideaway namin ay magkakahiwalay. Kung mapapansin niyo, gawa sa container,” sabi ni Jennylyn.

Pagkukuwento ng aktres, naisip umano nila ni Dennis na mas madaling gawin ang ganitong klaseng bahay plus pareho rin silang mahilig sa mga tiny house pero taliwas sa kanilang inaasahan, medyo mahirap pala ang pagta-transport nito sa Rizal.

“Tsaka nahilig kasi kami manood ng mga tiny house. Akala namin mas madali ‘yung container house pero mas mahirap pala kasi kailangan siyang i-transport dito sa Rizal area,” saad ni Dennis.

Credit: Jennylyn Mercado YouTube

Ang paboritong part din ng couple sa kanilang “mountain hideaway” ay ang kanilang balcony kung saan makikita ang kabuuang view ng Laguna de Bay. Oh diba, bongga!

Sa minimalist na concept ng kanilang property sa Rizal ay sobrang bet talaga ito ng netizens. Maliban sa preskong hangin at magandang view ng kanilang area, perfect din ito upang makapag-relax dahil malayo sa siyudad at tahimik.

Credit: Jennylyn Mercado YouTube

Ngayong kakatapos lamang ng seryeng “Maria Clara at Ibarra,” kasalukuyan ngayong nagbabakasyon si Dennis kasama ang kanyang buong pamilya kaya swak na swak talaga ang kanilang area sa Rizal upang magpatanggal ng stress at mag-enjoy!

The post Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, ipinasilip na sa publiko ang kanilang “mountain hideaway” sa Rizal! appeared first on Pinoy Online Portal.

Post a Comment

0 Comments