Talagang isinasabuhay at patuloy na binibigyan ni Vice Ganda ng hustisya ang kanyang title bilang “Unkabogable Star” dahil hindi lang naman sa programang “It’s Showtime” natin nasasaksihan ang kanyang nakakatawang jokes at pranks dahil kahit nasaaan man, dala-dala lang naman niya ang natural at positibong niyang personalidad na talaga namang nakakagaan sa pakiramdam.

Credit: Vice Ganda YouTube
Kung endless na kulitan at batuhan ng pranks ang madalas nating natutunghayan sa pagitan ni Vice Ganda at ng kanyang kapwa “It’s Showtime” hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at marami pang iba, purong excitement naman ang hatid ng komedyante kapag kasama niya ang kanyang gang dahil hindi lang naman sila nauubusan ng nakakatuwang ideas.
Hindi talaga biro ang busy na schedule ng iilang celebrities sa lokal na industriya ng showbiz at kabilang na nga sa mga ito ay si Vice Ganda na tila’y bawat linggong abala sa kanyang work at sandamakmak na projects kaya isa talagang luxury sa kanya ang magkaroon ng break at makapagbakasyon kasama ang kanyang mga kaibigan na sina MC Muah at Tonton Soriano.

Credit: Vice Ganda YouTube
Sa video na ibinahagi ng komedyante sa kanyang official na Facebook page nito lamang nakaraang Miyerkules, mapapanood na isa sa pinagkatuwaan ng magkakaibigan habang nasa kanilang bakasyon ay ang paglalaro sa swing sa may dalampasigan. Mapapanood sa video na isa-isa pa na sumakay sa swing si Vice, MC at Tonton hanggang naisipan na nga nilang sumakay nang magkakasama nang bigla na lamang naputol ang lubid at nahulog silang tatlo sa buhangin.

Credit: Vice Ganda YouTube
“🎵Masdan mo ang mga vaccla, nalaglag ang mga vaccla 🎵,” sulat ni Vice sa kanyang caption.
Bagama’t kitang-kita man sa mukha ng tatlo ang sakit na nararamdaman, idinaan na lamang nila ito sa tawa dahil sobrang epic umano ng kanilang pagkakahulog sa swing.

Credit: Vice Ganda YouTube
Stress man sa work nitong nagdaang mga araw, bawing-bawi naman ni Vice Ganda ang pagod na nararamdaman dahil sa company ng kanyang friends at bagama’t nauwi man sa disaster ang kanilang paglalaro sa swing, isa pa rin itong malaking tulong dahil napawi lang naman ang nararamdaman niyang pagod sa katawan.
The post Vice Ganda at mga kaibigan nito, nahulog sa swing habang nagkukulitan! appeared first on Pinoy Online Portal.

0 Comments