Solenn Heussaff, emosyonal sa muling pagkikita nila ni Carla Humphries sa Paris!

Hindi talaga natin namamalayan ang mabilis na paglipas ng panahon dahil sa isang iglap, maaaring maraming bagay ang mawala lalo na’t sa patuloy nating pagtanda ay mas nadadagdagan ang ating priorities sa life pero para kay Solenn Heussaff na kahit may sarili na ngayong pamilya ay maayos pa rin na nababalanse ang kanyang married life at social life.

Credit: @solenn Instagram

Marami sa atin ang naniniwalang bilangguan ang pag-aasawa at pagkakaroon ng sariling pamilya dahil wala na tayong oras na mailaan para sa mga bagay na dati nating pinagkakaabalahan pero muli lang namang pinatunayan ni Solenn Heussaff na kahit busy man siya sa kanyang duties at responsibilities bilang isang asawa at Mommy sa anak na si Thylane Katana, kayang-kaya pa rin niyang isingit ang kanyang social life.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Solenn Heussaff (@solenn)

Isa si Solenn at Nico Bolzico sa mga celebrity couple na sinusubaybayan ng netizens dahil sa pagkakakilanlan nila bilang playful na duo pero hindi lamang gantihan at pagbabatuhan ng pranks ang kaabang-abang sa dalawa dahil isa rin silang inspirasyon para sa karamihan dahil pareho nilang hindi pinagbabawalan ang isa’t-isa sa mga bagay na labis na nakapagsasaya sa kanila.

Matatandaan kumakailan lamang nang isinapubliko ng couple ang magandang balita na magkakaroon sila ng baby no. 2 at kahit na’y kasalukuyan ngayong ipinagbubuntis ang magiging kapatid ni Thylane Katana, aktibo pa rin si Solenn sa pag-eexercise at pagta-travel lalo na’t hindi lamang enjoyment ang habol niya kung hindi ay reconnection na rin sa mga kaibigan niyang matagal-tagal na niyang huling nakita.

Credit: @solenn Instagram

Nito lamang weekend, nagbahagi ang aktres na si Carla Humphries ang video kung saan ay mapapanood siyang nagmamadali sa pagsalubong sa kaibigang si Solenn na katulad niya ay napapalundag na rin sa labas dahil sa matinding excitement.

“Zou bisou bisou Paris 2022,” sulat ni Carla sa kanyang caption.

Maliban sa epic na pagkikita ng dalawa matapos ang maraming taon, captured din sa video na ibinahagi ng aktres ang iyak moment ni Solenn dahil sa kasiyahang nararamdaman.

Credit: @callmemadz Instagram

Of course, hinding-hindi talaga mawawala ang pamamasyal at “catch up moments” ng magkaibigan.

Sa isa namang hiwalay na post ni Solenn sa Instagram, ibinahagi niya ang mga larawan nila ni Carla kung saan ay ibinida ng celebrity Momshie ang kanyang baby bump.

“Been too busy living in the now we hardly take photos. Paris, je t’aime!” pahayag ni Solenn sa kanyang caption.

Credit: @callmemadz Instagram

Isa si Solenn Heussaff at Carla Humphries sa mga celebrity na nakahanap ng friendship sa isa’t-isa at bagama’t matagal man na nagkawalay, mapapansin naman sa bonding moments ng dalawa na walang nagbago sa kanilang pagkakaibigan.

The post Solenn Heussaff, emosyonal sa muling pagkikita nila ni Carla Humphries sa Paris! appeared first on Pinoy Online Portal.

Post a Comment

0 Comments