Wala talaga tayong kamalay-malay kung sino nga ba ang taong magpapatibok sa ating puso dahil may mga pagkakataon na sa patuloy nating paghahanap ni “The One” sa napakalaking mundo, hindi natin napapansin ang mga taong malapit sa ating buhay katulad na lamang ng parehong celebrity stars na si Cassy Legaspi at Darren Espanto na hindi kailanman inakalang mas may ihihigit pa pala ang kanilang pagkakaibigan.

Credit: @darrenespanto Instagram
Parehong famous na mga celebrity sa lokal na industriya ng showbiz ang parents ni Cassy kaya noon pa lamang, kilala na talaga siya ng karamihan. Nagsimula namang sumikat si Darren nang sumabak siya sa “The Voice Kids” at tuluyang pinasok ang pag-aartista kaya nasa iisang industriya lamang ang dalawa at muli’t muling nagkukrus ang landas ngunit sa mga panahong nagdaan, tanging magkaibigan lamang ang turing nila sa isa’t-isa hanggang tuluyan nga na nagkalapit ang kanilang loob. Dahil sa kanilang closeness, marami sa netizens ang naniniwalang hindi na lamang simpleng pagkakaibigan ang turing ni Cassy at Darren sa isa’t-isa kung hindi ay magka-ibigan na!

Credit: @darrenespanto Instagram
Base sa treatment at sweet na actions ng dalawa na nahahagip ng kamera, mas lalo lamang na lumalaki ang speculations ng kanilang fans ngunit hindi kailanman kinumpirma ni Cassy at Darren ang kanilang relationship kaya talagang marami ang na-shookt nang nalamang magkasama sila sa kanilang trip sa Nasugbu, Batangas!
Sa larawang ibinahagi ng singer-actor sa kanyang Instagram account, makikita sa reflection ng suot niyang shades si Cassy at nag-post rin ang aktres ng kaparehong shot na nagpapatunay na magkasama nga silang dalawa sa nasabing trip.

Credit: @darrenespanto Instagram
Dahil sa kanilang post, talagang kinilig ang kanilang fans sa comment section at isa sa mga ito ay ang ama ni Darren na tila’y numero unong supporter ng “rumored couple”.
“I’m sure special ang shades na yan sa ‘yo. Ang ganda eh, kaya dapat paka ingatan mo,” komento ng Daddy ni Darren.

Credit: @darrenespanto Instagram
Bagama’t hindi man binanggit kung ano nga ba ang totoong score ng kanilang relationship, tila’y kinumpirma naman ng dalawa na higit pa sa pagkakaibigan ang turing nila sa isa’t-isa sa katotohanang magkasama lang naman sila sa kanilang trip at nagbabahagi na rin ng sweet na mga larawan ng isa’t-isa sa social media kaya talagang nahihirapan ngayon ang kanilang fans na pigilan ang nararamdaman nilang kilig.
The post Fans nila Cassy Legaspi at Darren Espanto, kinilig sa letrato ng dalawa na magkasamang nagbakasyon sa Batangas! appeared first on Pinoy Online Portal.

0 Comments