Biglaang pagkanta ng duet ng isang promodizer at mall-goer, viral ngayon sa social media!

Ayon nga sa kanila, nangyayari umano ang mga bagay sa tamang panahon pero sa bawat kabiguan na ating nararanasan, hindi talaga natin naiiwasan na panghinaan ng loob at patuloy na kuwestiyunin ang sarili kung kailan nga ba dadating ang ating timing para sa katuparan ng mga pangarap natin sa buhay.

Credit: GMA News Facebook

Ilang beses man na dumaan ng pagsubok sa buhay, importante na piliin nating magtiwala na magkakaroon din tayo ng “big break” dahil minsan ay nangyayari ito sa hindi natin inaasahang pagkakataon. Sino nga ba ang mag-aakala na ang simpleng pagsho-shopping sa mall ay magdudulot ng kasikatan?

Credit: Cebu-South Travel Vlog

Para kay Riolyn Tuhay, isa lamang siyang casual na mall-goer pero tila’y lapitin talaga siya ng mikropono dahil ang simpleng pamamasyal ay nag-udyok lang naman sa kanya na makipag-duet sa isang lalaking promidizer sa nasabing mall na si Jhon Saban.

Marami na tayong kilala at hinahangaang singers pero bibihira lamang ang makasaksi ng mga taong katulad ni Riolyn Tuhay at Jhon Saban na kahit hindi man magkakilala ay matagumpay naman na nag-match ang kanilang boses sa pagkanta nila ng “The Prayer” na orihinal na kinanta ni Andrea Bocelli at Celine Dion.

Marami ng versions ang “The Prayer” at hindi na rin mabilang ang mga singer na kumanta sa masterpiece na ito pero aminado ang karamihan sa kanila na hindi easy ang pagkanta nito kaya kinakailangan talaga ng matinding paghahanda upang matagumpay itong maawit pero para kay Riolyn at Jhon, tila’y effortless lamang nila itong nagawa dahilan kung bakit naagaw nila ang atensyon ng mga taong saksi sa kanilang instant na duet sa mall pati na rin ang netizens na napanood ang kanilang amazing na performance.

Credit: Cebu-South Travel Vlog

Dahil sa kanilang impressive na duet, viral ngayon sa social media ang kanilang video na kuha ng isang proud na netizen. Of course, dahil sa pagma-match ng kanilang vocals isama na rin ang perfect na blending ng kanilang boses, napagdesisyunan ng dalawa na i-pursue ang kanilang career sa pagkanta nang magkasama.

Ngayong viral ang kanilang instant na duet sa mall at matagumpay na umani ng magagandang reaksyon mula sa netizens, for sure ay mas malayo pa ang mararating ni Riolyn at Jhon. At tsaka who knows? Baka isang araw, masasaksihan na natin ang kanilang performance sa mas malaking stage at ma-achieve ang recognition na talaga namang deserve nilang pareho.

The post Biglaang pagkanta ng duet ng isang promodizer at mall-goer, viral ngayon sa social media! appeared first on Pinoy Online Portal.

Post a Comment

0 Comments