Bago pasukin ang mundo ng lokal na industriya ng showbiz at naging kilala bilang isa sa mga sikat matagumpay na aktor ngayon, sino nga ba talaga si Jason Abalos noon?

Credit: @thejasonabalos Instagram
Bilang isang fan, talagang inaasahan ng karamihan na alam natin ang halos lahat ng impormasyon sa buhay ng ating iniidolong artista o hindi kaya’y star sa showbiz ngunit may iilang bahagi pa rin sa kanila na lingid sa ating kaalaman kaya sa tuwing ibinubunyag nila ito sa publiko, ganoon na lamang ang ating pagkagulat at pagkamangha.
Marahil ay marami sa atin ang sigurado na sa daang tatahakin sa buhay ngunit may iilan naman na tsaka lamang nalalaman ang gusto nilang i-pursue kapag nabuhay na ang kanilang interes sa isang certain na field katulad na lamang ng aktor na si Jason Abalos na sinurpresa ang netizens sa katotohanang bago pa man siya sumabak sa pag-arte, graduate pala siya sa kursong Engineering!
Naisipan ni Jason na mag-throwback Thursday noon kung saan ay ibinahagi niya sa Instagram ang kanyang graduation pic. Mapapansin naman sa lumang larawan ang malaking ipinagbago niya kumpara sa gwapong mukha niya ngayon.
Ayon sa 37 taong gulang na aktor, kahit siya ay hindi makapaniwala na grumadweyt siya sa kursong Engineering lalo na’t alam naman ng karamihan sa atin kung gaano kahirap na course ito.

Credit: @thejasonabalos Instagram
“Nababakas mo ba sa mukha ng batang to kung gaano kahirap ang mathematics? 😂😂😂,” sulat ni Jason sa kanyang caption.
Kung noong elementarya ay tanging basics lamang sa Mathematics ang ating kailangang matutunan, unti-unti namang tumataas ang level ng kahirapan nito sa hayskul lalo na kapag ang foundation ng kursong ating napili sa college ay Mathematics ngunit sa kabila ng lahat ng ito, matagumpay namang nakapagtapos ng Bachelor of Science in Civil Engineering si Jason.
Pagdating sa larangan ng pag-arte, hindi talaga tayo kailanman binigo ni Jason dahil sa kanyang nakakabilib na performance sa pinagbidahang mga pelikula at teleserye. Sa likod ng kanyang reputation at image bilang is

Credit: @thejasonabalos Instagram
Hindi man aligned sa kanyang natapos na kurso ang career ngayon ni Jason, makikita naman kung gaano siya ka-satisfied sa napiling field.
The post Mga netizen, namangha nang malamang Engineering graduate pala si Jason Abalos appeared first on Pinoy Online Portal.

0 Comments