Pangalawang tahanan na ng aktres na si Nadine Lustre ang isla ng Siargao. Bilang mahilig sa beach, nature, at adventure, hindi na nakapagtataka kung bakit nahumaling si Nadine sa island life kung kaya’t nagpasya siyang lumipad patungong Siargao noong nakaraang taon. Lingid naman sa kaalaman ng lahat, pangarap din ng aktres na maging isang sirena.

Credit: @nadine Instagram
Natupad nga ni Nadine ang pangarap niyang ito matapos siyang maging ‘sirena’ kamakailan lamang.
Pinahanga ng Kapamilya actress ang maraming netizens sa kanyang naging transformtion sa pinakabago niyang magazine photoshoot.
Tila dream come true para kay Nadine ang ginawa niyang magazine photoshoot kung saan ay nag-transform siya bilang isang sirena.
Sa kanyang Instagram account ay ipinasilip ni Nadine ang isa niyang litrato kung saan ibinida niya ang kanyang dreamy mermaid look.

Credit: @nadine Instagram
Sabi naman ni Nadine sa caption ng kanyang post, “living out a dream for Mega Magazines Anniversary Issue”
Ang nasabing litrato ni Nadine ay parte ng ‘Rebirth’ series ng fashion magazine na Mega para sa kanilang ika-30 anibersaryo.
Sa ngayon ay pinusuan nang mahigit 400K ang nasabing litrato ni Nadine.
Itinuturing na isa sa mga phenomenal actress ng kanyang henerasyon ang Kapamilya star na si Nadine Lustre.

Credit: @nadine Instagram
Kilala si Nadine bilang isang mahusay na artista at singer. Bukod dito, isa rin siya sa mga tinitingala pagdating sa mundo ng fashion bilang isang mahusay na modelo at creative artist.
Dagdag pa rito, isang modelo si Nadine para sa mga kababaihan dahil sa kanyang
kahanga-hangang tapang at paninindigan bilang isang babae.
Noong nakaraang buwan isa rin si Nadine sa mga artistang nanguna sa pamamahagi ng relief goods at pagtulong sa mga nasalanta ng bagy0ng Odette, katuwang ang kanyang French-Filipino boyfriend na si Christophe Bariou.
Samantala, mapapanood muli si Nadine sa isang pelikula sa kanyang comeback movie na “Greed” katambal ang aktor na si Diego Loyzaga.

Credit: @nadine Instagram
Mabilis na nag-viral ang teaser ng bagong pelikula ni Nadine matapos itong ilabas ng direktor ng pelikula na si Yam Laranas nitong February 9.
Nakatakda namang mapanood ang bagong pelikula ni Nadine ngayong darating na April 2022 sa VivaMax.
The post Nadine Lustre, nag-transform bilang isang napakagandang sirena sa kanyang latest magazine photoshoot! appeared first on Pinoy Online Portal.

0 Comments