Palaging laman ng mga balita at diskusyon sa social media ang Kapuso actress na si Heart Evangelista. Paano ba naman kasi, ‘di man lahat ngunit halos lahat yata ng kanyang mga sinusuot o ginagamit ay mga mamahalin at gawa ng mga luxury brand. Hindi tuloy maiwasan ng marami na mamangha at mapa-sana all dahil sa mga napakamahal na gamit ni Heart.

Credit: @iamhearte Instagram
Kaya naman bago sa mata ng mga netizen na makita si Heart na nagsa-shopping sa isang sari-sari store at bumibili ng mga murang pagkain at produkto.
Kamakailan ay tinanong ni Heart ang kanyang followers sa Instagram ng “What would you want me to do?” at pinakiusapan pa niya ang kanyang mga follower na maging “nice” sa pagbibigay ng kanilang suhestiyon.
Isa nga sa mga follower ni Heart ang hinamon siyang mag-shopping sa isang sari-sari store.
Hindi naman ito inatrasan ni Heart at game niyang ginawa ang challenge sa kanya ng kanyang follower.
Mapapanood nga sa ipinost na video ni Heart sa kanyang IG ang pagpunta niya sa isang sari-sari store para mamili ng kung anu-anong mapusuan niyang bilhin.
View this post on Instagram
Kabilang sa mga binili ni Heart ay ang mga paborito niyang pagkain na binibili niya noong bata pa siya tulad ng ilang kilalang Pinoy chichirya at biscuit. Bumili rin si Heart ng ilang sachet ng ginagamit niyang conditioner sa buhok.
Ilang maswerteng customer naman ang nilibre ni Heart. Magiliw niyang tinanong ang mga taong bibili sa tindahan kung ano ang kanilang bibilhin at siya na ang magbabayad sa mga ito.
Sa huli, masasabi naman ni Heart na ang saya-saya ng ginawa niyang challenge dahil napa-throwback siya noong kanyang kabataan at mukhang suki siya ng mga sari-sari store.
Aniya, “Challenge accepted! Sari-sari store shopping! Ang saya-saya! Brings back my childhood memories. Missing my yaya @jules_gamgen and @camongpauco, ate @michongpauco sending you peewee.”

Credit: @iamhearte Instagram
Samantala, aliw na aliw naman ang maraming netizens na makita si Heart na namimili sa isang sari-sari store.
Narito ang ‘say’ ng ilang netizen sa ginawang “Sari-sari store challenge” ni Heart.
“Yung bibili ka lang ng suka tapos biglang nakasabay mo si Heart sa Sari Sari store!”
“Pati mga bumibili tinanong nya “Ano bibilin mo? Sige libre na kita.” Hahahahha ang cupte napaka casual. Ms Heart lang sakalam!!”
View this post on Instagram
“Naculture shock ako nuung bumili si @iamhearte sa sari-sari store feeling ko LV binebenta ng tindahan haha”
“Kung ako yung may ari ng sari sari store, yung mga paninda ko, after ng visit ni Heart, gagawin ko na ring kapresyo ng Hermes.”
The post Heart Evangelista, napa-throwback sa kanyang kabataan matapos siyang kumasa sa sari-sari store challenge! appeared first on Pinoy Online Portal.

0 Comments