Barbie Forteza at Maris Racal, ikwinento ang mga pinagdaanan para magparehistro bilang botante

Isa si Barbie Forteza sa mga premyadong Kapuso actress ngayon sa telebisyon. Nakilala siya ng marami dahil sa kanyang talento sa pag-arte. Patok naman sa mga manonood ang mga teleserye ni Barbie tulad ng “Kara Mia,” “The Half Sisters,” “Anak ni Waray vs. Anak ni Biday,” at “Meant To Be.”

Credit: @barbaraforteza Instagram

Kamakailan lamang nga ay proud na ibinahagi ni Barbie na isa na siyang rehistradong botante. Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ng ilang larawan si Barbie kuha mula sa araw ng kanyang pagpaparehistro.

Credit: @barbaraforteza Instagram

Makikita sa isang larawan na nakaupo sa semento si Barbie habang matiyagang pumipila. Kwento naman ni Barbie, alas-4 ng madaling araw pa umano siya pumila para magparehistro.

Credit: @barbaraforteza Instagram

Kaya naman labis na lamang ang kanyang kasiyahan dahil pagkatapos ang matiyagang paghihintay, sa wakas, isa na rin siyang rehistradong botante.

Credit: @barbaraforteza Instagram

“Nagsimulang pumila ng 4AM at ngayon ay REHISTRADO NA AKO!!! 🥳🥳🥳” sabi pa ni Barbie sa kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

Ngayon na nakapagparehistro na siya ay sunod namang hinikayat ni Barbie ang milyun-milyong niyang tagahanga na magparehistro na rin nang sa gayon ay makaboto sila para sa darating na eleksyon.

Mensahe pa ni Barbie, “Kayo rin! Pwede pa pong humabol sa pagpaparehistro para makaboto!”

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang isinasagawang voter registration ng Comelec para sa mga hindi pa rehistradong botante.

Credit: @mariesteller Instagram

Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan na ngayon darating na May 2022 na gaganapin ang presidential election sa bansa.

Credit: @mariesteller Instagram

Bukod kay Barbie ay maging ang Kapamilya actress na si Maris Racal ay proud na nagpost ng kanyang experience sa pagpaparehistro bilang isang botante.

Credit: @mariesteller Instagram

Sa kanyang Tiktok account ay makikitang hindi pa man lumalabas ang araw ay nakapila na kaagad si Maris sa labas ng establisyemento kung saan siya magpaparehistro. Ayon kay Maris ay nagsimula siyang pumila ng 2:30AM.

Credit: @mariesteller Instagram

Nagbiro pa si Maris na sa sobrang pagmamadali niya sa pagpunta sa registration site ay maling bag ang nadala niya at ang tote bag na binigay ng isang sikat na Shampoo brand ang nadala niya na may naka-imprenta sa harapan na, “Araw-arawin ang Awra”.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by TV5 (@tv5manila)

Pagpatak ng alas-otso ng umaga at pagkatapos pumila ng ilang oras ay nalaman ni Maris na mali siya ng pinilahan na distrito.

Credit: @mariesteller Instagram

Kinabukasan ay nag-effort muli si Maris sa pagpaparehistro at masaya siya dahil sa wakas ay isa na siyang rehistradong botante.

 

The post Barbie Forteza at Maris Racal, ikwinento ang mga pinagdaanan para magparehistro bilang botante appeared first on Pinoy Online Portal.

Post a Comment

0 Comments